Maraming nangyari sa ating kasaysayan
na tumatak sa isipan ng bawat tao sa mundo. Iba’t ibang emosyon ang nasilayan
ng mga tao: lungkot, saya, galit, pagkagulat, at marami pang iba. Noong mga
panahong pulos gyera ang maririnig na balita sa bawat panig ng mundo, hindi
maiiwasan na mapuno ng takot at pangamba ang damdamin ng bawat tao. Mga
pagkakamaling nagawa ng dahil lamang sa kagipitan ng kalayaan. Mismong mga
magkababayan ay nagkaroon ng tunggalian. Imbis na magtulungan upang makamit ang
kalayaan, ay naghihilahan pababa sa kahirapan. Bakit naging ganoon na lamang
kasakim ang mga tao?
Komplikasyon sa bawat lahi sa iba’t-ibang panig ng mundo, ay hindi rin maiiwasan. Lalo na’t magkakaiba ng
kinagisnang paniniwala at kultura. Ngunit sa kabila ng pagkakaibang ito’y,
nagkaroon ng kalakalan ng kultura. Mga dayuhang walang tigil sa pagsuyo sa mga
pinuno ng mga tribong naninirahan sa mga islang hitik sa yaman ng kalikasan.
Nagnanais na makibahagi sa yamang taglay, kapalit ang mga bagay na
kapakipakinabang naman sa mga tao sa tribo. Patuloy na komunikasyon ng iba’t
ibang lahi’y nakapagpaunlad sa bawat panig. Hindi nga naman sa lahat ng panahon
ay masama ang pakikibagay sa mga dayuhan.
Mga kasakitan na dumadapo sa katawan
ng bawat tao, na noo’y di malunasan. Paghihirap sa mga ganitong klase ng bagay ay
ang naging inspirasyon ng mga imbentor at mga taong may kakayahan na palawakin
ang kani-kanilang imahinasyon. Ilang buwan, ilang taon, ilang dekada’y
nagkaroon ng mga lunas sa mga sakit, nakagawa ng mga bagay na nakapagpapadali
sa ating pamumuhay sa mundo. Mga kamaliang nagawa ay di inalintana, mayroon nga
daw kasabihang, “Try and try until you succeed.” Dahil para sa mga imbentor at
mga nakatuklas ng mga bagay-bagay sa mundo, ang isang pagkakamali ay dapat na
lang ibaon sa kasaysayan, dahil hindi na iyon mauulit. Maaaring ang sitwasyon
ay umulit, ngunit ang pagkakamali ay mapapalitan na ng bagong pamamaraan na
magbubunga ng katagumpayan.
Hindi umuulit ang kasaysayan, ang
umuulit ay ang sitwasyon o kalagayan. Dahil ang kasaysayan ay mananatili sa
nakaraan at ang sitwasyon ay maaari na lang ulit maranasan. Sa pagkakataong ang
sitwasyong iyon ay maulit, mga pagkakamali ay maaari ng maitama, mga karanasan
ay maaaring mabago, mga emosyon ay maaaring mapalitan. Kung ako ang tatanungin,
anong sitwasyon ang gusto kong balikan? Maari kong isagot ay isa sa mga
sitwasyon ko kung saan nakagawa ako ng mali, upang maitama na iyon. Maaari rin
naming isang pangyayari na nakapagpasaya sakin ng sobra at nais kong maulit at
marami pang iba. Ngunit sa dami ng mga iyon, bakit ko nga ba gugustuhing
maulit, kung maaari naman akong gumawa ng bagong karanasan? Ang kasaysayan ay
mananatili sa nakaraan at ang sitwasyon ay maaari pa nating maranasan muli.
Bakit nga ba nangyari ang mga bagay na
iyon sa ating kasaysayan? Bilang isang estudyante, kasalukuyan na naming
pinag-aaralan ang mga bagay-bagay tungkol sa kasaysayan. Mga pangyayaring
maaring magdala ng lungkot at katuwaan sa ating lahat. Mga pangyayaring maaari
nating maipagmalaki. Pagtuklas sa mga bagay na gawain ng mga scientists,
pagiimbento ng mga makabagong bagay ng mga imbentor, paglikha ng kulturang
kinasanayan natin, lahat ng ito ay dahil sa malawak na imahinasyon ng mga tao.
Lahat ay magiging posible sa ating imahinasyon kung tayo ay magiging
determinado sa buhay. Sabi nga sa isang komersyal sa T.V. “Imagination mo ang
limit!” Hangga’t kaya ng ating isipan na mag-isip ng paraan upang umunlad ang ating
bayan, magagawa nating mag-ambag para sa ating kasaysayan. Malay mo, isa ka sa
maging sikat na imbentor? Hindi iyon imposible kung gagawa tayo ng ating
paraan. Sabi ng karamihan sa mga kabataang gaya ko, “Walang Forever!” Para sa
akin, “Forever do exist.” Iyon ay dahil hindi naman natin kailangan pagbasehan
kung ano ang mga naging karanasan ng iba sa kanilang buhay. May sarili tayong
pamumuhay at magkakaroon tayo ng forever kung gugustuhin natin. Ang mga
karanasan natin ay mananatili nalamang na alaala ng ating nakaraan. Maaari ngang
maulit ang mga iyon ngunit hindi na ang kasaysayan noon. Dahil mababago natin
ang ating kapalaran kung nanaisin nating magkaroon ng bagong karanasan. Sa
huli, akin paring paninindigan na hindi umuulit ang kasaysayan, ang umuulit ay
ang sitwasyon o kalagayan.